Quotes: Filipino Love Quotes

compiled text messages from a looong time ago…maybe some of you can still relate to these messages…:) enjoy reading!

I had a walk last night. Looking at the stars, the clear sky and the endless horizon. In that moment of tranquility I thought to myself, “Nice, no? Sa laki ng universe, nagkakilala tayo.”

 Masakit daw umibig, palagi ka raw iiyak, palagi ka raw aasa at maghihintay sa wala. Sabi ko naman, ganun lang yun talaga, dahil kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalamang nagmahal ka na pala…

Minsan, sobra tayong magmahal kaya sobra rin tayong masaktan. Pero tuwing nasasaktan tayo, sino nga ba ang dapat na sisihin? Sila, o ang sarili natin, dahil hinayaan natin silang mahalin?

Minsan, hindi sapat na yung alam mong mahal ka niya. Dapat alam mo rin kung masaya ba siya. Pero higit sa lahat, dapat alam mo kung mahal ka ba niyang talaga, o mahal ka lang niya dahil mahal mo siya…

Hanggang ngayon, naiisip pa rin kita. Hanggang ngayon, pinagdarasal kong tayo pa ring dalawa. Hanggang ngayon, iniiyakan pa rin kita. Alam kong hindi ito tama, pero anong magagawa ko kung hanggang ngayong, mahal pa rin kita?

Takot akong mawala ka, hindi sa hindi ako mabubuhay ng wala ka, kung hindi, takot akong dumating yung panahon na mahal pa rin kita kahit may mahal ka nang iba…

Minsan, kay sarap umiyak, lalo na pag naaalala natin ang nakaraan? Pero para saan nga ba talaga ang pag-iyak? Sa sakit? O dahil hindi na natin kayang ibalik ang kahapong may minahal tayo ng sobra sobra?

Bukas, baka makalimot na tayo. Pwedeng magkanya kanya na tayo, maaring yun na ang katapusan. Kaya bago mangyari ang lahat ng ito, gusto kong sabihin sayo, “salamat, binuo mo ang buhay ko.”

Minsan, masakit pag binigay mo ang lahat, kahit alam mo na walang darating na kapalit. Pero mas masakit magmahal pag pinaasa ka niya na mahal ka niya, tapos sasabihin sayo na, “Sorry, ayoko na.”

Minsan daw nakakapagod magmahal. Minsan masaya, minsan naman iiyak ka…sabi nila nakakasawa. Pero ang totoo, hindi ako nagsasawa sayo. Bakit? Kailan ba naman nagsawa ang taong nagmamahal ng totoo?

Minsan, di sapat na mahal mo ang isang tao at alam mong mahalaga ka sa kanya. Kasi, bago ang lahat, dapat alam mo ang pinagkaiba ng MAHAL sa MAHALAGA lang…

Okay lang naman sa akin kung gusto mo siya, wala naman akong magagawa, diba? Sana lang hindi mo na ako pinaasa, tapos sa bandang huli, aalis ka rin pala…

Alam mo, kahit sabihing mong hindi mo ako iiwan, takot pa rin ako, iba ka kasi, eh. Kaya nga minsan, natatakot ako kapag may kasama kang iba, kasi parang napakaimposible na hindi ka rin nila mahalin…

Diba masakit pag iniwan ka? Diba masakit pag niloko ka? Diba masakit pag pinaasa ka? Pero diba pinakamasakit pag pinaniwala ka na mahal ka niya kahit may mahal pala siyang iba?

Bakit pag may gusto tayo, kailangang iwanan natin yung iba para lang makuha natin yun? Pero kapag nandiyan na saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo, ay minsan ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo…

Kagabi may bumisita sa aking anghel. Sabi niya, kukunin ka na raw niya. Alam mo kung bakit hindi niya ginawa? Sabi ko kasi..”may langit na kayo, wag niyo namang kunin ang langit ko…”

Nakita ko siya kanina, masayang masaya. Nung tinanong ko kung bakit, kasi daw kayo na. Sabi niya pa, mahal na mahal mo daw siya, Kahit gusto kong umiyak, la na akong nagawa. Sana kung noon pa inamin kong mahal din kita, siguro, dika na naghanap ng iba.

Sinabi ko sa sarili ko, lilimutin na kita. Pinilit ko, masakit. Ginawa ko, mahirap. Anong gagawin ko? Tumakbo? Magtago? Saan? Maliit lang ang mundo ko, umiikot lang sayo…

Mahal kita, alam mo ba iyon? Kaya lang, ginago mo lang ako. Yung mahal mo ngayon, ginagago ka lang niya, pero mahal mo pa rin siya. Sana ginago na lang kita, baka minahal mo rin ako tulad niya…

Kapag dumaan ka, deadma lang. Kapag kinakausap mo ako, deadma lang. Kapag tinutukso nila ako sayo, deadma lang. Kahit naman kasi malaman mong mahal kita, deadma ka lang…

Sabi nila, gagawin mo ang lahat kapag mahal mo ang isang tao, papasayahin, pagbibigyan hanggat kaya. Pero paano kung sinaktan ka niya? Mamahalin mo pa rin ba siya? Oo dahil hindi ka naman nagmahal para lang sumaya, diba?

Gusto ko katabi kita, gusto ko, andiyan ka lagi. Gusto ko, ako lang ang mahal mo. Gusto ko lagi tayong magkasama, pero pinakagusto ko, maging masaya ka, kaya…sige na, puntahan mo na siya…

Kapag may umaway sayo, gagawin ko ang lahat para lang mapagtanggol kita. Kahit sino pa o ano pa siya. Pero baka magising nalang ako na nasa harap kita at sabihin mo na, “Bakit mo ginawa yon? Ano ba kita?”

Mahal mo kaya talaga ako? Yun ang tanong na lagi kong naiiisip. At kung oo ang sagot mo, maitanong ko lang, mahal mo ba ako dahil mahal mo ako? O dahil kailangan mo akong mahalin kasi mahal kita?

Mahal niya ako pero hindi ko siya mahal kasi ikaw ang mahal ko. Pero mahal mo siya kahit di ka niya mahal kasi may mahal siyang iba. Mahal niya ako, mahal kita, mahal mo siya. Hindi ba pwedeng mahal mo ako, mahal kita, tapos bahala na sila?

Alam mo ba na masakit? Nawala ka nalang bigla ng walang iniwang dahilan. Isang araw, nakita kita. Lumapit ako at nagtanong, “Kamusta?” pero ang isinagot mo, “lumayo ka, baka makita niya…”

Alam ko hindi mo ako kayang mahalin tulad ng sa kanya. Pababayaan kita kung diyan ka masaya. Balang araw, makikita mo, na ang hinahanap mo, ay nasa taong minsan, hinayaan mong mawala sayo.

Masaya na ako kapag nakikita kitang masaya. Okay lang sa akin kung kasama mo siya. Huwag mo lang sabihin sakinna sinasaktan ka niya, dahil “Tangina! Ni minsan hindi ko ginawa sayo yun, diba?”

May nakapagtanong sa akin kung mahal daw ba kita, kasi daw halata na. Sabi ko naman, “Saan niyo naman napulot yan? Siya, mahal ko? Hindi, no?” pero sa loob loob ko, “Tangina! Buti pa kayo, nahalata niyo!”

Mahirap palang magmahal ng dalawang tao, nakakalito. Yung isa, bahagi ngayon ng buhay mo, yung isa naman, bahagi nga nakaraan mo. Ang pinagkaiba lang, yung ngayon, hindi mo maiwan, yung nakaraan, gusto mong balikan.

May mga taong gago, may mga taong tanga. Gago ka kung nagmamahal ka ng taong ayaw sayo. Tanga ka kung may nagmamahal sayo ng hindi mo alam, Ako gago, sana lang hindi ka tanga.

I often wonder why things didn’t work out between us. Patience? Meron. Time? Meron din. Trust? Oo naman. Love? Sobra! Pero teka, was it ever the “us” o ako lang?

Di nalang sana kita nakita, masaya naman ang buhay ko nung wala ka. Hindi katulad ngayon, nahihirapan lang ako. Alam ko hindi mo sinasadyang mahalin siya, ako din naman, hindi ko sinasadyang mahalin ka…

Ikaw at ako, kalokohan daw. Pero sayo parin ako, katangahan na raw! Bibitaw na ba? Manigas sila. Eh ako naman ang malulungkot pag nawala ka, hindi sila…

Each time I see you, I tell myself, “move on”. Each time you smile at me, I tell myself, “We’re just friends.” But everytime you look at me, I end up saying, “Damn! Ang hirap magpretend!”

Sa buhay, dapat marunong kang tumanggap. Kaya kung sa tingin mo hindi talaga pwede, wag mo nang pilitin. Mahal ka pa rin naman niya eh, mas mahal nga lang niya siya.

Minsan, bad trip magmahal. Iwasan mo, ikaw din ang masasaktan. Sundan mo, ikaw din ang iiyak. Ibinigay mo na lahat, kulang pa din. Nagpakatanga ka na, gagaguhin ka pa. Minsan, hintay ka ng hintay, iniwan ka na pala..

Ano kamo? Mahal mo ako? Sus! Sabi mo lang yan kasi galit ka dahil iba ang mahal niya. Paano kung malaman mo na ikaw pala laman ng puso niya? Mahal mo pa rin kaya ako kahit na ikaw ang mahal niya?

Ipagtatanggol kita sa kahit na sino, Ibibigay ko lahat ng maibibigay ko, Magtitiis ako hangga’t makakaya ko, Mamahalin kita, kahit hindi tayo…

 I was with my new friends kanina, we were having fun…As I laughed, I realized something, Miss na kita…the way you make me laugh, iba talaga pag tayo, mas masaya.

Oo, tama nga sila. Tanga raw ako kasi minahal kita, pero masisisi ba nila ako, kung ang sinasabi nilang katangahan ko, ay siya ring tanging kaligayahan ko?

Pano kung sobrang in love ka sa isang tao tapos isang araw, bumalik yung una mong minahal, sino ang pipiliin mo? Yung dati na gusto mong balikan, o yung ngayon na ayaw mong saktan?

Mahirap maging perpekto sa taong mahal mo, nagbago ka dahil sa kanya, nagpakababa ka dahil rin sa kanya, pero ang masakit, perpekto ka na nga, tangina! Iniwan ka pa!

Akala mo lang, masaya ako sa kanya. Akala mo siguro, nakalimutan na kita. Hindi mo lang alam, na sa araw-araw na magkasama kaming dalawa, halos mamatay ako sa kakaisip na sana kasama kita, hindi siya…

Ang mga muntik ay hindi na dapat pagusapan. Ang mga muntik ay hindi na dapat balikan. Sa makatuwid, kahit muntik na kitang mahalin, kahit gusto kong ipaalam, siguro, wag nalang…

Ang puso, pag nagmahal, makulit. Kahit hindi pwede, pilit ng pilit. Hindi matuto-tuto kahit masakit. Ayaw sumawa kahit paulit-ulit. Kaya kung nasasaktan ka sa akin, huwag mo akong sumbatan. Sisihin mo ang puso ko, sobrang mahal ka niyan…

Mahirap ipagtapat sa taong mahal mo ang nararamdaman mo, lalo na kapag alam mo na isasagot niya. Pero diba nakakainis pag ang buong akala mo, hindi ka niya mahal, yun pala, hinihintay rin lang niyang mahalin mo siya?

Ilan na ba silang minahal mo? Silang sinaktan ka? Silang iniwan ka? Bakit kasi sila pa? Eh andito naman ako, hindi kita papabayaan, hindi kita iiwan, lalong lalo, hindi kita sasaktan. Siyempre mahal kita, kaya sana, ako naman…

May dahilan para sa lahat—dahilan para mabuhay, dahilan kung bakit nagmamahal. Pero kung hindi mo mahanap ang dahilan mo para ngumiti, maaari bang ako nalang ang maging dahilan? Kahit saglit lang…

Sabi nila, mahal daw kita. Kasi pangalan mo raw lagi kong binabanggit, parati daw akong masaya kapag kasama kita. Sabi nila, aminin ko na sayo..pero sabi ko, Tsaka nalang, pag mahal na rin niya ako…

Ayoko ng mag ilusyon, baka masaktan lang ako, Ayoko nang mangarap, baka hindi magkatotoo, Ayoko ng umasa tapos magbabago lang, mamahalin nalang kita, ng hindi mo alam…

Sana pag naging kayo, sana sumaya ka. Sana di ka niya saktan, di ka niya pabayaan. At sana, mahalin ka niya ng lubusan..pero sana pag kayo na, sana, hindi ko nalang malaman…

Akala ko nun, okay lang na mahalin ka, Akala ko magiging tayong dalawa. Akala ko okay lang masaktan, kasi sa bandang huli, akin ka rin naman. Pero lahat ng inakala ko, mali pala, kasi hindi mo ako kayang mahalin, gaya ng pagmamahal mo sa kanya…

Masakit isipin na mahal ka niya, pero hindi parin maging kayong dalawa. Masakit isipin hanggang kaibigan lang siya, kasi may iba na siya, may iba ka na. Pero pinakamasakit yung akala mo mahal ka niya kahit hindi naman kayo, yun pala, mali lang lahat ng akala mo..

I tried to ignore you, I tried to keep myself from thinking of you. I tried so hard, but I can’t! Tangina! Sino ka ba? Bakit hindi ko magawang balewalain ka?!

Friends—yun tayo, diba? Masaya ako pag kasama kita, Pag malungkot ako, lagi kang nandiyan. Ang bait bait mo sakin, bakit ka ganyan? Tama na, baka sa bandang huli, mahulog lang ako, kahit alam ko naman hindi mo ako masasalo.

Sabi nila, hindi mo daw ako mahal. Sabi ko naman, Ayos lang. Tanong nila, “Tanga ka ba?” At sagot ko? “hindi, mahal ko lang talaga siya…”

Sabi nila, mahirap ka raw abutin. Paki ko? Mahal kita. Sabi nila, wag na daw kitang pansinin, Paki ko? Mahal kita. Mahal na mahal kita, alam mo ba yun? Paki mo? Eh may mahal ka nang iba?

Masakit pag yung taong mahal mo, wala na. Masakit pag alam mong may mahal na siyang iba. Pero diba mas masakit pag nalaman mong nagmahal siya ng iba, dahil hindi mo pinakitang mahal mo talaga siya?

Masakit sakin ang kalimutan ka. Masakit sa akin ang iwan ka. Pero kung yan ba ang magpapasaya sayo, gagawin ko. Pero ito lang tandaan mo, Mahal kita, kahit balewala lang sayo…

Tanga daw ako pag pinakawalan pa kita. Gago daw ako pag sinaktan kita. Baliw daw ako pag pinagpalit pa kita…Eh sira ulo naman pala sila, eh. Pano ko naman gagawin yun? Akin ka ba?

Nanaginip ako kagabi. Di mo na daw ako mahal. Napaiyak ako, pero pagising ko, bigla akong natawa. Kahit naman sa totoong buhay, hindi mo naman talaga ako mahal, diba?

It hurts so much to see you because of what happened to us back then. When people ask me about you, I always say, “Love ko pa yun!”. And it hurts to know that whenever people ask you about me, you just laugh and say, “Ano ba kayo? Past is past!”

Mahirap magmahal ng sobra. Halos konti nalang tinitira sa sarili, oras ilalaan para lang Makita siya, pero ikaw ba kuntento na? Okay lang sana magmahal ng sobra, ang kaso, naaappreciate niya ba?

Hindi madaling maghintay, hindi rin biro ang magmahal. Minsan, akala mo, siya na. Hindi pa pala, dumaan lang pala siya para saktan ka.

Nalaman ko, iniwan ka niya. Meron na siyang iba. Ngayon iyak ka diyan. Sana andiyan ako para damayan ka at masabing “ganyan din ang naramdaman ko nung sinabi mong kayo na…”

Minsan, pinipilit turuan ang puso. Mali yan, tama to, bawal yan, bawal to. Kaso naisip ko, may sariling isip ang puso, at yan ang magpapagalaw ng buhay mo—tama man o mali, bawal man o hindi…

Sabi ko, hindi ikaw yung taong sasaktan ako, di ikaw yung taong hahabulin ko, at hindi din ikaw yung taong iiyakan ko. Sagot mo. “Okay lang, asa ka pa, eh hindi naman talaga darating yung araw na mamahalin kita!”

Kaya mo pa kayang saguting ang tanong na Mahal kita, Ako ba mahal mo pa? Siguro hindi na, kasi andiyan na siya. Masakit man, kailangang maging masaya ako para sa inyo, sa inyo ng kaibigan ko…

Minsan parang Malabo. Yung parang di ako kumbinsadong mahal mo nga ako. Pero eto lang sasabihin ko sayo: Iwan mo man ako ng dahil sa iba, pag di ka nagging masaya, pangako, babawiin kita…

Minsan sa buhay, kailangang pumili kung sino, ano, saan at pano ka liligaya. Kaya lang, hindi lahat ng pinipili mo ay tama. Kung minsan, kung ano yung ginive up mo, siya pang tanging makakapagpaligaya sayo…

You know what? You’re just like an angel—giving me joy, guiding me, completing me. But suddenly, someone whispered, “Angels fly, but they don’t fall..” Kaya pala…

Sabi mo, humiling ka ng magmamahal sayo. Sabi mo nakita mo na siya. Tapos nagtatanong ka kung bakit nasasaktan ako. Lam mo kung bakit? Kasi ako ang pinadala, pero hindi mo ako nakita…

Kung gugustuhin natin, magkasama sana tayo ngayon. Sabi nga nila, lahat ng bagay, pwede kung gugustuhin. Kaya lang, hindi lahat ng pwede ay dapat. Parang tayo…pwede, pero hindi dapat.